Umibig ba talaga ako sa kanya? Paki-explain naman!!!!

Bwiset. Sabi ko noon, wala na. Nagustuhan ko lang siya. Mawawala rin yan. Eh anu na? Bakit ganun?????? Marami naman gwapo sa University bakit iba pa hinahanap ko? And to begin with, bakit ko ba siya hinahanap?? Anu yun guardian?? Ni hindi ko nga siya naging close noon eh! Naiinis na ko ha! Hindi pa pwede! Baka pag hindi ako nakapag-pigil, Sasabihin ko na to sa kanya! Baka puntahan ko pa siya sa school niya!

Anak ng pitong kwek-kwek naman, nasisira na nga ang ulo ko sa botany at chemistry, dinagdagan pa niya! Ngayon, nagkaroon na ko ng pangarap. Ang makagawa ng gamot upang tigilin ang sariling magmahal. . . Posible ba?

Isa pa. Nalulungkot na ko. Kanina, monthsary ng pagkakaibigang ewan ko kung hanggang sa pagtanda ay valid pa. Baka pag namatay kami magkakatabi pa kami ng libingan. Eto pa ang isang dahilan, kung bakit sumasaya ako. Kahit wala na akong balita sa kanila, halos putol ang kumunikasyon dahil sa dami ng gawain, alam ko nandiyan lang sila. Iba na talaga, kapag haharapin mo na ang tunay na mundo. Halo-halong problema ang sasalubungin mo. Wala na ang panahon sa paglalaro.

Umibig. Yan ay pandiwang pangnakaraan. Siguro nga, inibig ko siya, First love ba. Masaya na rin ako, naranasan ko yun. Kahit di ko pa naranasan ang magkaroon ng relasyon, may mga kaibigan naman ako. Bakit ba. Abnormal siguro ako kung hindi ko naranasan yun.

The End. May nagbasa kaya??

3 Responses so far »

  1. 1

    kathcraigy said,

    August 11, 2009 @ 11:18 pm

    ehhe,,hanep ka thei ah,,hmmm
    ,,,kala ko napakawalan mu na sia eh,
    ehehe,,thei ganun parin namna sia eh,,
    haist,,
    kaya mu yan,eghee,,
    d2 lang kami mangaasar,ehee

  2. 2

    dosesixteen said,

    August 19, 2009 @ 6:30 am

    Ai ang galing oh may nakabasa. . haha. . Testing lang kung may nakabasa eh. Bwahahaha. .

    Wala akong makitang gwapo sa USTe. Hahahahahah. . .

  3. 3

    jhoy said,

    August 23, 2009 @ 12:30 am

    tsk! tsk! tsk!
    hirap talagang kalimutan 1St love noh?!
    ganon talaga pag tunay kang nagmamahal,

    may ganon?!
    haha..

Comment RSS · TrackBack URI

Say your words