Karagatang USTe
Nagtaka ako kaninang umaga kung bakit walang pasok ngayon. Kasi biglang kinansela yung GA ng Purple Gazette. Pagbukas ko ng Multiply site, nalaman ko ang shocking revelation kung bakit walang pasok.


Wala nang kailangang ipaliwanag.
Isa pang unique yan sa University, ang pagiging floating universtiy. O di ba. Merong olympic size na swimming pool ang UST, pero pag-rainy days, ocean size na swimming pool, meron.
At eto pa, ang lakas ng trip nung iba.

Boat sa Espanya
O di ba, yan ang tinatawag na resourcefulness. Hindi disadvantage ang baha. Naging advantage pa, practice siguro para sa darating na competition.
At kaya siguro ang may UST tiger dragons rowing crew. Advantage nila ang pagkakaroon ng baha.
Well, at least hindi ako umalis ngayon at mahaba-haba ang pahinga. Buti na lang wala akong pasok kapag saturday.
photos are borrowed from UST-CSChttp://ustcsc0910.multiply.com/journal/item/87/Bakit_walang_pasok_ngayon?replies_read=105
