Mabait Ako!

Naisip ko lang. Mayabang na ba yung nagsasabi ng totoong mabait naman talaga ako? Eh, yun ang pagkakakilala ko sa sarili ko hindi ba? Mali na ba ang pagsasabi ng totoo? O kaya hindi ko masabi kasi para sa kanila hindi naman talaga ako mabait?

Naaalala ko pa noon, elementary, uso ang may autograph, slum book, slum note, at kung ano pa man ang tawag dun. may tanong dun na nakalagay,

“Describe yourself”

at ang kadalasan na nilalagay ay. .

“judge me na lang”

nung una di ko maintindihan kung anong ibig sabihin nun. akala ko, ibig sabihin nun eh pumunta ka sa Supreme Court at magtanong sa mga judge dun kung ano ang ugali ko. Ang engot hindi ba.

Pero napagtanto ko na isinusulat yun dahil tamad ang mga taong magsulat.

joke lang hindi yun.

kaya isinusulat yun para bayaan yung mga tao na manghusga kung sino talaga siya. Pero hindi sa panlabas ha, kundi yung kanyang kalooban. Pero, kadalasan talaga’y kinakailangan mong sabihin kung ano talaga ang ugali mo. Mabuti man yun o masama. Para maintindihan nila kung bakit ka ganyan.

Hindi mayabang ang pagsasabi ng mabait ka. Kung yun naman ang tingin mo talaga sa sarili mo at aminado ka naman na ganun ka talaga eh bakit hindi mo sasabihin?

May iba kasing taong magsasabi na

“Ang yabang mo naman. ”

Kahit nagsasabi ka naman ng totoo. Naiisip nila na nagbubuhat ka ng sariling bangko. Na pinupuri mo lang ang sarili mo, ipinagyayabang.

Siguro, sa edad kong ito, marami ang nagsasabi ng ganyan. Kaya masasabi ko talagang, hindi pa ko lubos na edukado. Kulang pa.

Sumagi lang ito sa isip ko. Naalala ko lang nung nasa eskwela ako.

Nga pala, Salamt sa pagbasa, Sir Antonio. Hahahah. Biruin mo, may nagbabasa pala nito. haha.

2 Responses so far »

  1. 1

    mary joy said,

    March 20, 2009 @ 8:28 pm

    oo nga naman

    may sense kahit paano.joke….

  2. 2

    dosesixteen said,

    April 17, 2009 @ 8:43 pm

    hahaha. . wala bang sense?? hahah. .

Comment RSS · TrackBack URI

Say your words