Pagod na Ako. Yehey.
Ayos pala ang buhay sa kolehiyo. Lalo na kung napakaganda ng campus. At napakainit ng pagtanggap sa baguhang tulad ko.
Pero, nakakapagod. Yehey.
Nakakapagod, pero masaya. Masaya mamasahe sa loob ng isang oras. Masayang makinig sa lecture ng 4 na oras sa isang subject. Masarap tumambay sa library. Masarap tambakan ng quizzes at homework. Masarap gumala sa loob ng campus. Masarap sumalampak sa damuhan. Masarap makipagtawanan sa blockmates. Masarap makipagkulitan sa prof. Masarap magpasabog ng chemicals sa lab. Masarap mag-microscope. Masarap magsulat. Masarap magbasa. Masarap tumambay sa Mcdo o KFC. Masarap mag-PE. Masarap maipit sa trapik sa Espanya o Dimasalang.
Masarap at masaya.
Para sa akin, ganun yun.
Dapat maging masaya na ako, dahil hindi na ito mauulit.
Parang yung high school life, di ko na mauulit.
Ganun talaga ang layp, kahit mahirap, magmarka ka ng ngiti sa iyong mukha. Dahil sa hirap, natuto tayo, at maaalala ang hirap na dinanas, na maaaring magpangiti sa iyo.
Ngayon, alam ko na kung gaano ko nasayang ang oras ko nung high school, dahil may mga hindi ako nagawa.
Pero ngayon, alam ko na ang gagawin ko. Alam na alam ko na.