Posts tagged pilipino

Pag-ibig sa sariling pilantik ng Dila

Dr. Rizal: Inday, and hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa halimaw at malansang isda…

Inday:
Thank you for your wonderful words of wisdom. But don’t you know that I already read all your writings? Unfortunately, I was disappointed because your two novels were written in Spanish and Latin. So, therefore, you are the ultimate violator of your own aphorism.

Dr. Rizal: (nosebleed)

Ito ay nanggaling sa www.blogniinday.com

Kung iisipin ay isa lamag itong simpleng biro ngunit kung ito’y iintindihin nang mas malalim, maiisip mong may punto si inday. Pero ginawa lamang ito ni Rizal upang mabasa din ito ng mga mananakop na mga kastila at ipamukha sa kanila kung anong kalapastanganan ang idinulot nila sa perlas ng silanganan.

Sa panahon naman ngayon, kinakailangan nga bang magkaroon ng kaalamn sa wikang dayuhan?

oo, kinakailangan. pero ang pagkadalubhasa sa wikang dayuhan, maaaring hindi na.

naalala ko ang tanong ng isa kong kamag-aral.

“Bakit ba kailangan mag-aral ng English?”

“Syempre, kapag nangingbang bansa ka, makakaintindi ka nung sinasabi nila! At syempre, makausap mo sila ng maayos!”

“Eh paano kung wala naman akong balak mangibang-bansa? May katuturan pa rin ba yun?”

“Oo naman. Para sa trabaho mo. Makausap mo yung mga turista dito.”

“Hay. Kailangan ba talaga yun.”

Yan ang aming naging talakayan habang hinihintay namin ang pagpasok sa eskwela. Magkakaroon kasi kami ng pagsusulit sa asignaturang Ingles, at nahihirapan ang iba kong kaklase ( inaamin ko, ayos lang naman sa akin ang asignaturang iyon.) kaya niya nasabi iyon.

Hanggang ngayon, nag-iisip pa ako ng ibang sagot kung bakit napakahalaga ng may kaalaman sa dayuhang salita, lalo na sa wikang Ingles. Mas magiging mabuti ba ang kalagayan ng ekonomiya kung magaling ka mag-Ingles? Bakit ang mga Koreano, mga Intsik, hindi naman kagalingan sa pagsasalita ng wikang Ingles pero mauunlad ang sila? Bakit ang mga politiko puro na lang ingles ang salita kapag sila ay naghahayag ng damdamin o naghahatid ng pangkalahatang mensahe samantalang walang mamamayan ng Pilipinas ang nakakaintindi?

Ano sa tingin mo?

No comment »